in

Ang gabay ukol sa BAKASYON sa domestic job sa Italya

Pubbicazione 11/03/2021 15:34 - Aggiornamento 17/03/2021 13:32

Kung isang colf, badante at babysitter, ikaw ay may karapatan sa isang minimum na panahon ng bayad na bakasyon bawat taon. Ito ay dapat na ibigay ng iyong employer at ito ay hindi mo dapat tanggihan bilang panahon ng pahinga.

Narito ang isang maikling gabay sa domestic job upang malaman ng mga colf at badante ang kanilang karapatan ukol sa bakasyon.

 Ang Gabay

  • Ano ang ibig sabihin ng taunang bakasyon?
  • Ang karapatan ng mga colf at badante sa bakasyon
  • Minimum na haba ng taunang bakasyon
  • Ang bakasyon ba ay para sa lahat ng mga domestic worker?
  • Sa anong panahon ng taon maaaring pakinabangan ng mga domestic workers angkanilang bakasyon?
  • Paano kinakalkula ang mga araw ng bakasyon sa domestic job? 
  • Bayad na bakasyon 
  • Karagdagang kaalaman
  • Batas

Ano ang ibig sabihin ng taunang bakasyon?

Ang bakasyon ay nangangahulugan ng taunang panahon ng pamamahinga, malaya mula sa mga gawain o trabaho, na nagpapahintulot sa domestic worker na mapagtuunan ang libangan, ang sarili at ang pamilya at sa gayon ay mabawi ang pisikal at mental na enerhiya, para sa sarili at para din sa trabaho. 

Ang karapatan ng mga colf at badante sa bakasyon

Sa artikulo 36 ng Konstitusyon ng Italya ay itinalaga ang mahalagang karapatan ng bawat domestic worker ng isang minimum na panahon ng taunan at bayad na bakasyon. Anumang kasunduan sa pagitan ng employer at worker, na naglalayong hadlangan ang pagtupadsa karapatang ito, ay null at walang bisa.

Ang bakasyon ng mga colf at badante ay nasasaad sa contratto collettivo nazionale per il lavoro domestic (o national collective agreement for domestic job) na nagpapatupad sa pangkalahatang batas (Pambansang Batas noong Abril 8, 2003, blg. 66) sa mga domestic workers.

Minimum na haba ng taunang bakasyon

Ang mga colf at badante ay may karapatan sa 26 araw na bayad na bakasyon kada taon ng seribsyo sa parehong employer (hindi kasama ang Linggo at mga piyesta opisyal sa midweek).

Para sa mga nasa serbisyo nang mas mababa sa isang taon, ang karapatan sa bakasyon ay batay sa bilang ng mga buwan na ipinagtrabaho.

Basahin din ang: Minimum na haba ng bakasyon

Ang bakasyon ba ay para sa lahat ng mga domestic worker?

Ang nabanggit na minimum na panahon ng bakasyon ay nakalaan sa lahat ng mga domestic workers, anuman ang haba ng panahon at oras ng trabaho, kasama ang mga part-timers na colf at badante.

Basahin din: Ang Bakasyon ng mga colf at badante na part timer

Sa anong panahon ng taon maaaring pakinabangan ng mga domestic workers ang kanilang bakasyon?

Ang panahon ng bakasyon ay karaniwang itinatakkda ng employer sa pagitan ng buwan ng Hunyo at Setyembre, na naaayon sa kanyang pangangailangan at nang may rispeto din sa pangangailangan ng manggagawa, maliban na lamang sa pagkakaroon ng ibang sa pagitan ng dalawa.

Ang bakasyon ay karaniwang tuluy-tuloy at hindi maaaring mahati ng higit sa dalawang bahagi sa isang taon.

Ang bakasyon ay hindi maaaring kunin sa panahon ng abiso ng pag-alis sa trabaho, kahit sa panahon ng sick leave at aksidente o infortunio. 

Basahin din: Ang sahod sa panahon ng bakasyon

Paano kinakalkula ang mga araw ng bakasyon sa domestic job? 

Ang kalkulasyon  ng mga araw ng bakasyon ay ginagawa batay sa panahon na aktwal na ipinagtrabaho ng loob ng 12 buwan.

Upang makalkula ang araw ng bakasyon, ang linggo ng pagtatrabaho ay binubuo ng 6 na working days, mula Lunes hanggang Sabado, anuman ang oras ng lingguhang trabaho.

Basahin din: Ang kalkulasyon ng araw ng bakasyon sa domestic job

Sahod ng bakasyon 

Ang taunang bakasyon ay bayad. Sa panahon ng pagliban dahil sa bakasyon, ang domestic worker ay may karapatan sa parehong halaga ng sahod na tila nag-trabaho ito. 

Ang kalkulasyon kung magkano ang halaga ng sahod sa bawat araw ng bakasyon ay ginagawa sa ibang paraan batay sa kung tuatanggap ng buwanang sahod o kada oras. Ang kalkulasyon ay madali lamang, narito kung paano

Karagdagang kaalaman

Narito ang mga karagdagang impormasyon para sa mga colf at badante upang malaman ang kanilang karapatan 

  • Minimum na panahon ng bakasyon
  • Kalkulasyon ng araw ng bakasyon ng mga colf at badante
  • Ang sahod sa panahon ng bakasyon
  • Ang bakasyon ng mga colf at badante na pert timer
  • Ang panahon ng bakasyon
  • Sino ang magpapasya sa panahon ng bakasyon
  • Pagkakasakit o aksidente habang nagbabakasyon

Batas

calendario_orario_lavoro

Ang maximum na oras ng trabaho sa domestic job

Ang kalkulasyon ng araw ng bakasyon sa domestic job