in

Colf o badante, naka-sick leave, gaano katagal mapapanatili ang trabaho?

Pubbicazione 08/04/2021 11:52 - Aggiornamento 08/04/2021 11:52
Colf o badante, naka-sick leave, gaano katagal mapapanatili ang trabaho?

Sa Italya ay may karapatang mapanatili ang trabaho ng maysakit o naaksidenteng colf o badante. Ito ay nagtatagal ng itinakdang maximum na bilang ng mga araw bawat taon.

Sa katunayan, sa mga panahon ng pagkakasakit o aksidente, ay pinoprotektahan ng batas ang mga domestic workers  (CCNL Domestic Job art.4-6), na mapanatili ang kanilang mga trabaho para sa itinakdang maximum na bilang araw bawat taon.

Karapatang mapanatili ang trabaho: gaano katagal?

Sa panahon ng pagliban sa trabaho dahil sa pagkakasakit o aksidente, ang mga colf at badante ay maaaring mapanatili ang kanilang trabaho para sa mga sumusunod na itinakdang panahon:

  • 10 araw – para sa panahon ng serbisyo hanggang anim na buwan;
  • 45 araw – para sa panahon ng serbisyo mula anim na buwan hanggang dalawang taon;
  • 180 araw – para sa panahon ng serbisyo ng higit sa dalawang taon. 

PAALALA: 

  • Ang nabanggit na panahon ay nadadagdagan ng 50% sa kaso ng oncological disease (o pagkakaroon ng cancer), na pinatutunayan ng may ASL.
  • Sa panahon ng pagkakasakit, ang probationary period o anumang panahon ng abiso ay nasuspinde.
  • Ang panahon ng pagliban sa trabaho ay dapat na bilangin batay sa haba ng panahon ng serbisyo.

Ano ang mangyayari kung lumampas ang itinakdang panahon? 

Kung ang colf o badante ay lumampas sa itinakdang panahon batay sa haba ng anahon ng serbisyo, ay mawawalan ng karapatang mapanatili ang trabaho. Kung nanaisin, ang employer ay may karapatang tanggalin ang colf para sa makatarungang dahilan o licenziamento per giusta causa.

Paano kinakalkula ang mga araw ng pagpapanatili ng trabaho?

Ang panahon ng pagpapanatili ng trabaho ay kinkalkula sa loob ng 365 araw simula sa araw ng pagkakasakit, hindi mula Enero 1 hanggang 31 Disyembre ng taon.

Halimbawa, kung ang colf ay nagkasakit ng Oktubre 21, 2020, ang mga araw ng sick leave at dapat kalkulahin hanggang sa parehong araw ng susunod na taon. Ang kalkulasyon ng taunang bilang ng araw ng sick leave, samakatuwid, ay nagsisimula sa Oktubre 22, 2021.

Samakatuwid, upang malaman kung ilang araw ng sick leave mayroon ang colf o badante o kung ilang araw pa ang nalalabi, ay kailangang suriin kung sa nakaraang 365 araw bago ang pagkakasakit ay gumamit na ng ilang araw ang colf o badante. 

Ang mga social at health assistance para sa mga colf at badante 

Ang mandatory registration ng domestic job sa Cassacolf ay nagbibigay sa mga colf at badante ng karagdagang social at health assistance. 

Ang Cassacolf ay isang minimum na kontribusyon, mandatory, na binabayaran kasama ng kontribusyon ng Inps.

Colf malata

Sick leave ng colf o badante, sino ang magbabayad at ilang araw ang babayaran?