in

Ang lebel o antas ng trabaho sa domestic job

Pubbicazione 04/03/2021 00:59 - Aggiornamento 08/03/2021 18:38

Ang domestic job ay nababahagi sa antas o lebel, batay sa uri ng trabaho, sa tagal sa trabaho at batay sa kwalipikasyon o kakayahan. Bawat kategorya ay mayroong angkop na wages, terms at working condition.

Ang mga lebel o antas 

Ang National Collective Labor Contract o CCNL para sa domestic job (CCNL 2020 art. 9) ay binigyan ng kategorya ang mga colf, badante, babysitter at specialized domestic workers sa apat na lebel at bawat isa ay mayroong dalawang antas ng sahod ang bawat isa: semplice at super.

Partikular, ang bawat antas ay mayroong angkop na minimum wage, trial period at awtomatikong pagtaas ng antas.

Ang antas ay kinikilala batay sa:

  • kakayahan sa trabaho (mansioni prevalenti)
  • tagal sa serbisyo (anzianità di servizio)
  • antas ng responsabilidad  (grado di responsabilità)
  • kwalipikasyon o kakayahan (qualificazione professionale del lavoratore).

LEVEL A

Binubuo ng mga domestic workers na walang working experience (kahit sa iba’t ibang employers). Tinaguriang ‘utility man’, at nasa ilalim ng direktang pagsubaybay ng employer. Hindi sakop ang assistance to person.

  • Semplice: domestic worker sa unang working experience; taga-linis, taga-laba; taga-luto;house keeper; taga-dilig; tagapag-alaga ng hayop;
  • Super: Simpleng kasama ng mga self sufficient person (o autosufficienti) nang hindi nagsasagawa ng anumang iba pang gawain.

LEVEL B

Mga domestic workers na nagpapakita ng kakayahan sa pagganap ng trabaho.

  • Semplice: multi-function collaborators, house keeper; taga-plantsa, server, gardener; qualified laborer; driver; tagapagligpit ng mga silid at naghahanda ng agahan kahit sa mga bisita ng employer.
  • Super: nag-aalaga sa mga self-sufficient person (matatanda at bata), at sakop din ang trabaho ukol sa pagkain at paglilinis ng bahay

LEVEL C

Mga domestic workers na nagtataglay ng kapasidad sa trabaho na nagpapahintulot upang gawin ang mga aktibidad ng responsabile kahit na nag-iisa.

  • Semplice: cook, taga-handa ng pagkain at taga-handa ng mga kinakailangan nito
  • Super: pag-aalaga sa mg non self-sufficient o non autosufficienti (matatanda at bata), at sakop din ang trabaho ukol sa pagkain at paglilinis ng bahay.

LEVEL D

Mga domestic workers ng mga pangunahing professional requirements at mayroong kakayahang mag-desisyon, responsabile sa pagpapatakbo at koordinasyon.

  • Semplice: tagapangasiwa ng ari-arian ng pamilya; maggiordomo; governess; head cook; head gardener; instructor.
  • Super: nag-aalaga ng mga non self-sufficient person o non autosufficienti (matatanda o bata), kung kinakailangan ay akop din ang trabaho ukol sa pagkain at paglilinis ng bahay;

GAWAING PANGGABI

Sa loob ng apat na antas, ay napapaloob ang mga partikular na kategorya na may angkop na sahod at oras, para sa mga domestic workers na: 

  • Okasyunal na pag-aalaga sa gabi
  • Naghihintay ng trabaho

PAALALA

  • Ang mga domestic workers na nakatalaga sa maraming tungkulin ay may karapatan sa antas ng mas umiiral na mga tungkulin.
  • Para sa mga self-sufficient person ay tumutukoy sa mga taong kayang gampanan ang mga pangunahing aktibidad ukol sa pangangalaga sa sariling katawan at pangangailangan.
  • Ang formation ay tumutukoy naman sa mga workers na mayroong diploma o certification ukol sa tungkulin at trabaho, maaaring sa Italya o sa sariling bansa, gayun din ang mga kurso na tumatagal ayon sa itinalaga sa regional level at karaniwang hindi bababa sa 500 hrs.
  • Para sa karapatang malagay sa antas ng D Super, responsibilidad ng domestic worker na abisuhan ang employer sa pamamagitan ng pagsulat ang natapos na formation course, kahit habang nagta-trabaho, at bigyan ito ng kopya.

Overtime sa domestic job: ang gabay sa mga colf at badante

Orario di lavoro

Mga alituntunin sa oras ng trabaho para sa mga domestic workers sa Italya