in

Mga alituntunin sa oras ng trabaho para sa mga domestic workers sa Italya

Pubbicazione 05/03/2021 16:59 - Aggiornamento 09/03/2021 23:30
Orario di lavoro
Narito ang mga alituntunin ukol sa ng oras ng trabaho ng mga domestic workers sa Italya.

Ang normal na oras ng trabaho ay pinagkakasunduan ng employer at domestic worker sa panahon ng employment. Kailangang igalang ang mga pamantayang ligal ukol sa: maximum na oras ng pagtatrabaho (araw-araw at lingguhan), mga panahon ng pahinga, overtime.

Narito ang mga alituntunin ukol sa ng oras ng trabaho ng mga domestic workers sa Italya.

Oras ng trabaho ng mga domestic workers

Maximum na oras ng trabaho 

Ang batas ay nagtalaga ng maximum na oras ng trabaho araw-araw at lingguhan para pangalagaan ang mental at pisikal na integridad ng domestic workers. 

  • 10 oras bawat araw, hindi sunud-sunod, sa kabuuang 54 na oras bawat linggo, para sa mga domestic workers na naka live-in;
  • 8 oras bawat araw, hindi sunud-sunod, sa kabuuang 40 oras bawat linggo, hinahati sa 5 o 6 na araw, para sa mga domestic workers na part-timer.

Karapatan sa pahinga ng mga naka live-in na colf at badante 

Ang mga naka live-in na colf at badante ay may karapatang magpahinga ng magkakasunod na 11 oras sa maghapon. 

Bukod dito, kung ang oras ng trabaho araw-araw ay wala sa pagitan ng 6.00 at 14.00 o sa pagitan ng 14.00 at 22.00, ang domestic worker ay may karapatan sa hindi bayad na oras ng pahinga, karaniwang sa hapon at hindi ito bababa sa 2 oras sa isang araw.

Sa oras ng pahinga na nabanggit, ang domestic worker ay maaaring lumabas sa bahay ng employer. Siguraduhin lamang na sa mga oras na ito ay masisiguro ang mental at pisikal na lakas ng domestic worker.

Day-off sa domestic job: hindi lang araw ng Linggo

Lahat ng mga domestic workers ay may karapatan sa isang buong araw na pahinga tuwing araw ng Linggo. Ang mga colf at badate ay may Karapatan sa sa 12 oras ng pahinga, bilang karagdagan sa Linggo. 

Ang oras ng trabaho sa hatinggabi 

Itinuturing na oras ng trabaho sa hatinggabi ang nasa pagitan ng 10.00 ng gabi at 6.00 ng umaga, at binabayaran, kung ordinaryo, ng may pagtaas ng 20% ​​, kung overtime naman, ng higit sa normal na oras ng trabaho.

Ang Overtime 

Bilang colf o badante ay maaaring kailanganing magtrabaho nang higit sa napagkasunduang oras, maaaring sa araw o sa gabi, maliban na lamang kung may balidong dahilan para ito ay tanggihan.

Itinuturing na overtime ang oras ng trabaho na higit sa maximum na oras ng trabaho sa araw-araw o lingguhan, na nasasaad sa CCNL 

Ang overtime ay:

  • maaaring hingin kung alinsunod sa ilang kundisyon,
  • ang maximum na oras ay pinahihintulutan,
  • dapat na bayaran ng mas mataas.

Substitute sa mga oras at araw ng pahinga

Ang employer na may isa o higit pang mga full-time worker na nag-aalaga sa taong non self-sufficient na nasa antas CS o DS, ay maaaring kumuha ng isa o higit pang worker, live-in o hindi, sa antas na CS o DS, na magbibigay ng serbisyo bilang substitute sa mga oras at araw ng pahinga, sa araw-araw at lingguhan. 

Ang mga serbisyong ito ay babayaran batay sa table “G” at table “F” hinggil sa allowance ng board and lodging. 

Livelli di inquadramento

Ang lebel o antas ng trabaho sa domestic job

Karapatan sa pahinga ng mga naka live-in na colf at badante