in

Karapatan sa pahinga ng mga naka live-in na colf at badante

Pubbicazione 05/03/2021 17:15 - Aggiornamento 08/03/2021 18:37
Karapatan sa pahinga ng mga naka live-in na colf at badante.

Upang matiyak ang kalusugang mental at pisikal, upang mabawasan ang epekto ng monotonous at paulit-ulit na trabaho, at upang masiguro ang tamang oras ng pagkain, itinatakda ng batas ang karapatan sa oras ng pahinga sa gabi at sa araw (matapos ang tanghalian), ng mga naka live-in na colf at badante. 

Karapatang magpahinga sa gabi

Ang mga naka live-in na colf at badante ay may karapatang magpahinga ng magkakasunod na 11 oras sa maghapon. 

Ang oras ng pahinga sa araw

Kung ang oras ng trabaho araw-araw ay wala sa pagitan ng 6.00 at 14.00 o sa pagitan ng 14.00 at 22.00, ang domestic worker ay may karapatan sa hindi bayad na oras ng pahinga, karaniwang sa hapon at hindi ito bababa sa 2 oras sa isang araw.

Sa oras ng pahinga na nabanggit, ang domestic worker ay maaaring lumabas sa bahay ng employer. 

Ang mga oras ng pahinga ay dapat na inilaan sa pamamahinga: ang domestic worker ay walang karapatan, na mag-trabaho sa ibang lugar sa oras ng pahinga. Ito ay dapat na inilalaan sa pagpapahinga upang masiguro ang mental at pisikal na lakas ng domestic worker. 

Lunch break para sa mga part-timer na domestic worker 

Para sa mga colf at badante na part timer na nagbibigay serbisyo ng 

nang higit sa 6 na oras, ay may karapatan sa tanghalian o kung hindi man, sa allowance para sa pagkain.

Ang oras na kinakailangan upang tapusin ang pagkain ay itinuturing na walang bayad na pahinga (dahil hindi nagsasagawa ng mga anumang serbisyo) at dapat na pagkasunduan ng mga dalawang partes. 

Source: CCNL Lavoro domestico: Artikulo 14 Oras ng trabaho 

Orario di lavoro

Mga alituntunin sa oras ng trabaho para sa mga domestic workers sa Italya

Ang day off sa domestic job: hindi lamang araw ng Linggo