in

Minimum salary 2021 sa domestic job

Pubbicazione 23/02/2021 19:34 - Aggiornamento 23/02/2021 19:34
Minimi retributivi 2021
Minimum salary 2021 sa domestic job sa Italya

Ito na ang panahon para ma-update ang sahod ng mga colf, badante at mga babysitters sa Italya. Sa katunayan ay inilathala noong February 12 ang bagong minimum salary sa domestic job 2021, na balido simula January 1, 2021

Minimum salary 2021 ng mga colf at badante

Ang minimum salary kada oras o sa isang buwan ng mga colf, badante at babysitters para sa taong 2021 ay nagkaroon ng pagbabago noong February 12, 2021 mula sa Italian Ministry of Labour (tulad ng nasasaad sa art. 45 ng CCNL). Ito ay balido simula January 1, 2021. (Basahin din: Minimum Salary).

Ito ay nangangahulugan na dapat malaman ng mga colf, badante at mga babysitters kung magkano ang dapat nilang matanggap na sahod mula sa kanilang mga employers, dahil sa ginawang update.

Ito ay tumutukoy sa isang pagtaas, sa sahod at sa halaga ng board and lodging, para sa mga full time domestic job o nagta-trabaho ng higit sa 6 na oras sa isang araw. 

Para sa mga babysitter, bukod sa minimum salary, ay nasasaad din ang functional allowance o indennità di funzione, na matatagpuan sa table H. Para sa mga badante na nag-aalaga ng higit sa isang non self-sufficient ay nasasaad ang functional allowance sa table I

Ang table mula sa Ministry of Labour ay nagpapaliwanag kung anong kwalipikasyon ang angkop sa lebel na nasasaad sa table. Narito ang mga leble o antas ng trabaho sa domestic job sa Italya. 

Tabelle Minimi Retributivi 2021

Taunang pagbabago ng minimum salary sa domestic job

Ang minimum salary ng mga colf, badanti at babysitters ay nagbabago taun-taon. Ito ay batay sa cost of living na nakabase sa naging pagtaas ng ISTAT consumer price index sa taong 2021. 

Ang mga pagbabago sa halaga ng minimum salary sa domestic job ay ginagawa taun-taon, simula January 1 kada taon (maliban kung hindi gagawin) ng Commissione nazionale per l’aggiornamento retributivo, na binubuo ng mga kinatawan ng mga unyon ng manggagawa at mga asosasyon ng mga employer na pumirma sa CCNL.

Paga e stipendio

Ang minimum salary para sa mga colf at badante

Overtime sa domestic job: ang gabay sa mga colf at badante