in

Ang minimum salary para sa mga colf at badante

Pubbicazione 23/02/2021 18:33 - Aggiornamento 23/02/2021 18:56
Paga e stipendio
Ang minimum salary para sa mga colf at badante

Sa Italya, ang sahod ng isang colf o badante ay hindi dapat mas mababa sa contractual minimum wage na itinalaga ng mga social partners para sa taong kasalukuyan at ina-update taun-taon. 

Minimum salary para sa mga colf at badante

Ang minimum salary ay ang pinakamababang halaga ng sahod kada oras, kada araw o kada buwan, na dapat matanggap ng worker mula  ng employer ayon sa batas. 

Ang halaga – minimum wage – ay itinatalaga batay sa lebel o antas ng trabaho na nasasaad sa CCNL ng domestic job. 

Basahin din: Ang Minimum Wage sa domestic job 2021 sa Italya

Baby sitter: Extra allowance 

Kung ikaw ay isang babysitter o assistente familiare na ang lebel o antas ay B Super, bukod sa minimum salary ay may karapatang makatanggap ng karagdagang monthly allowance, hanggang sa pagsapit ng ika-anim na taong gulang ng inaalagaang bata. Ito ay nasasaad sa table H

Badante na nag-aalaga ng higit sa isang non-selfsufficient: Extra allowance 

Kung ikaw ay isang badante na nasa lebel o antas na C Super o D Super na nag-aalaga ng higit sa isang non-selfsufficient, bukod sa minimum salary ay makakatanggap din ng karagdagang monthly allowance na nasasaad sa table I

Skills certification: Extra allowance

Para sa mga domestic workers na nasa lebel o antas B, B Super, C Super at D Super, na mayroong balidong certificazione di qualità o skill certification, na nasasaad sa UNI 11766:2019 technical standards, bukod sa minimum salary ay may karapatang makatanggap ng karagdagang allowance na nasasaad sa table L

Tandaan na matapos ang validity ng certificazione di qualità, ang karagdagang allowance ay hindi na matatanggap pa. 

Para matanggap ang nabanggit na allowance, ay obligasyon ng domestic worker na ibigay sa employer ang kopya ng certificazione di qualità, kahit na ito ay natanggap sa panahon ng trabaho. 

Ang nasabing allowance ay matatanggap makalipas ang 12 buwan mula sa petsa ng simula ng CCNL 2020. 

Ilang bagay na dapat idagdag sa sahod 

Sa minimum salary na itinalaga ng batas para sa angkop na lebel o antas sa domestic job, ay kailangang idagdag ang mga sumusunod: 

  • anumang allowance para sa board at lodging (para sa mga live-in at nagtatrabaho nang higit sa 6 na oras sa isang araw),
  • ang scatti di anzianità o seniority o lenght of service bonus tuwing ikalawang taon,
  • anumang ‘superminimi’ o ang karagdagang halaga bukod sa minimum salary 

Ang CCNL ay nagtalaga din ng ‘superminimo’ o ang karagdagang halaga sa sahod bukod sa minimum salary. Ang halaga nito ay mananatili sakaling magtalaga muli ng bagong minimum salary, maliban na lamang kung ito ay hindi nasasaad sa kontrata. 

Halimbawa kung ang minimum salary sa panahon ng hiring ng domestic worker ay € 4,62 kada oras, ngunit ang employer ay ay nagbigay ng € 6,00 kada oras sa kontrata – ang minimum salary ay € 4,62 at ang € 1,38 ay ang halaga ng ‘superminimo’.

Ngayon na ang halaga ng minimum salary ay € 4,69 kada oras at ang sahod ay nanatiling € 6,00 kada oras. Samakatwid ay hindi na matatanggap pa ang karagdagang € 0.04 maliban na lamang kung sa kontrata ay nakasulat ang “superminimo non assorbibile”

Ang kontribusyon ay kasama ba sa sahod?

Sa minimum salary ay hindi kasama ang mga kontribusyon.

Ang kontribusyon na dapat bayaran para sa isang oras ng trabaho ay dapat na kalkulahin batay sa sahod kada oras. Samakatwid, ang minimum salary (na dapat ay angkop sa nasasaad sa batas + scatti di anzianità (kung mayroon) + superminimo (kung mayroon) + halaga ng board and lodging. 

Lavoro straordinario: linee guida per colf e badanti

Minimi retributivi 2021

Minimum salary 2021 sa domestic job