
Ang oras ng trabaho sa domestic job ay batay sa kasunduan ng dalawang partes. Ngunit ang batas ay nagtalaga ng maximum na oras ng trabaho (araw-araw at lingguhan) upang maprotektahan ang mental at pisikal na integridad ng mga domestic workers. Narito ang maximum na oras na pinapahintulutan.
Ang maximum na oras ng trabaho
Maximum na oras sa araw-araw
- 10 oras sa isang araw, hindi sunud-sunod, para sa mga naka live-in;
- 8 oras sa isang araw, hindi sunud-sunod, para sa mga part-timer
Maximum na oras sa isang linggo
- 54 na oras sa isang linggo, para sa mga naka live-in;
- 40 oras sa isang linggo, hinahati sa 5 o 6 na araw, para sa mga part-timers o lungo orario na hindi naka live-in.
Ang kolokasyon ng mga oras ng trabaho ay itinatakda ng employer, sa loob ng maximum na oras, para sa naka live-in. Samantala para sa mga part-timers ay batay sa kasunduan ng dalawang partes.
Exemption
Maaaring ma-empleyo bilang live-in ang mga domestic workers na may maximum na oras ng trabaho ay hanggang 30 oras kada linggo:
- Ang mga live-in domestic workers na nasa lebel C, B at B Super;
- Ang mga mag-aaral na may edad mula 16 hanggang 40 anyos at pagkatapos ay bibigyan ng diploma mula sa Estado o tanggapang publiko.
Ang kanilang oras ng trabaho ay dapat na isa sa mga sumusunod:
- Nasa pagitan ng 6.00 at 14.00;
- nasa pagitan ng 14.00 at 22.00;
- nasa pagitan, ng maximum na 10 oras na hindi sunud-sunod sa araw, na hindi hihigit sa tatlong araw sa isang linggo.
Ang mga workers na nabanggit ay dapat bayaran, anuman ang oras ng trabaho na pinili sa loob ng maximum na limitasyon na 30 oras bawat linggo, ng isang minimum na sahod na nakasaad sa table B, at nananatili ang obligasyong magbayad ng kabuuang sahod.
Ang employment ng mga nabanggit na workers ay kailangang
magresulta bilang written, edited at pirmado ng employer at ng worker, kung saan nasasaad ang aktwal na napagkasunduang oras ng trabaho at ang kolokasyon ng oras batay sa nabanggit sa itaas.
Mga alituntunin sa oras ng trabaho para sa mga domestic workers sa Italya